China ang Pinakamalaking Tagagawa at Exporter ng Laruan sa Mundo. Higit sa 70% ng laruan sa pandaigdigang merkado ang ginagawa sa China. Masasabing matatag na haligi ng foreign trade ng China ang toy industry. Mula 2016 sa 2021, nagtala ang eksport ng laruan ng China ng limang magkakasunod na taon ng paglago. Sa unang walong buwan ng taong ito, umabot sa $31.68 bilyon ang kabuuang pag-export ng laruan ng China, na tumaas nang 20.2% kumpara sa nakaraang taon.


Kilala ang Chenghai District, Shantou, Guangdong bilang toy capital ng China. Naibenta na ang mga laruang ginagawa rito sa mahigit 150 bansa at teritoryo sa buong mundo.


Bawat Nobyembre hanggang Disyembre ang gintong panahon ng pandaigdigang benta ng laruan. Para sa lokal na manufacturer, ito ang peak season ng padala.

_20221206141602

Mahalagang sentrong pantalan ang Shenzhen Yantian Port para sa export na laruan ng China, at ito rin ang pinakamalaking iisang pantalan ng container sa mundo. Dito, dinadala ang domestic toy sa Europe, America at ibang pangunahing global trade channel sa pamamagitan ng 89 foreign-trade route. Sa isang panig ng terminal berth, maayos na nakahanay ang makukulay na container. Bukod dito, puspusan din ang pagkakarga, na may tuloy-tuloy na operasyon sa loob ng 24 oras.


Dagat ang pangunahing transportasyon ng foreign-trade toy company sa Pearl River Delta dahil marami ang kaya at malayo ang biyahe. Ayon sa Shenzhen Customs, abot ng international liner ng Shenzhen Port ang mahigit 100 bansa/rehiyon at 300 daungan sa mundo. Upang harapin ang peak export season, pinabibilis ng customs ang proseso ng clearance at inspeksyon.


Matapos ikarga, inilunsad at naglayag ang barkong puno ng lokal na laruan. Ayon sa General Administration of Customs, US$31.6779 bilyon ang toy export ng China noong Enero–Agosto ngayong taon, tumaas ng 20.2%. Sa mga rehiyon ng export, nananatiling pangunahing bansang patutunguhan ng laruan ng China ang Estados Unidos, Japan, at United Kingdom.