Noong Mayo 11, opisyal na nilagdaan ang 'Free Trade Agreement between the Government of the People's Republic of China and the Government of the Republic of Ecuador'.

Ang China-Ecuador Free Trade Agreement ang ika-20 free trade agreement ng China. Naging ika-27 free trade partner nito ang Ecuador at ikaapat sa Latin America, kasunod ng Chile, Peru at Costa Rica.

Sa mga pribilehiyo sa taripa para sa kalakalan ng kalakal, nakamit ng dalawang panig ang mataas na antas ng kapwa kapaki-pakinabang na resulta. Ayon sa kasunduan sa konsesyon, kapwa aalisin ng China at Ecuador ang mga taripa sa 90% ng mga tariff line, at agad na aalisin ang taripa sa tungkol sa 60% ng mga tariff line kapag nagkabisa ang kasunduan.

Sa mga export na karaniwang pinag-aalala ng mga mangangalakal sa ibang bansa, magpapatupad ang Ecuador ng walang taripa sa mga pangunahing export na produkto ng China. Kapag nagkabisa ang kasunduan, unti-unting ibababa at aalisin mula sa kasalukuyang 5%-40% ang mga taripa sa karamihan ng produktong gawa sa China kapag pumasok sa merkado ng Ecuador, kabilang ang mga produktong plastik, chemical fiber, produktong bakal, kagamitang mekanikal, kagamitang elektrikal, dekorasyong kasangkapan, sasakyan at mga piyesa.