01.

Kapag bumili ng mga laruan, dapat mong suriin kung ang mga tagubilin at label ng produkto ay kumpleto, kabilang ang pangalan ng tagagawa, address, pangalan ng produkto, modelo, babala sa kaligtasan, naaangkop na mga pamantayan, atbp. Sa pagbili ng plastic toy, electric toy, metal toy at ride-on toy, hanapin din ang “CCC” mark. Huwag bumili ng mga produktong walang batayang impormasyon (“tatlong wala”), at pumili ng laruang angkop sa bata ayon sa pangkat ng edad na nakasaad sa produkto.

02.

Laruin/subukan ang produkto, hawakan ang ibabaw at suriin kung makinis at hindi magaspang ang gilid, sulok, butas at iba pang bahagi, at kung makagagasgas ang mga ito sa balat ng bata. Para sa mga produktong para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, suriin din ang maliliit na piyesa at aksesorya. Sa bawat bahaging mahahawakan ng hintuturo at hinlalaki, subukang hilahin nang malakas upang makita kung matatanggal ito. Suriin Kung may Siwang sa Produkto na Maaaring Makaipit ng Daliri. Kung may panganib na maipit ang daliri sa puwang sa pagitan ng gumagalaw na bahagi. Para sa Produktong may Pintura, Suriin Kung may Kakaibang Amoy.

03.

Pumili ng Laruan na Hindi Masyadong Maingay. Ang sensory at nervous system ng mga bata sa paglago at pag-unlad na yugto ay relatibong sensitibo. Nadaragdagan ng ingay ng laruan ang pagkainis ng bata, napapagod ang pandinig at naaapektuhan ang kalusugan nila.

04.

Sa pagbili ng slide car at laruang bisikleta ng bata, pumili ng may mahusay na preno at hawakang preno na angkop sa kamay nila, upang hindi mawalan ng matibay na hawak habang naglalaro at maaksidente sa pagkahulog o pagkatumba.

05.

Kapag naglalaro ang mga bata sa slide, bouncy castle at iba pang malaking outdoor toy at kagamitan, hangga’t maaari ay huwag silang pagsuotin ng damit na may hood o tali, o anumang bagay na may tali, upang hindi sila masabit sa tali habang naglalaro at malagay sa panganib na hindi makahinga.

06.

Suriin kung may maliliit na bahagi ang laruan. Huwag hayaang maglaro ng laruang may maliliit na bahagi ang batang wala pang 3, upang hindi nila ito aksidenteng malunok o malanghap na maaaring magdulot ng pagkakasakal, pagkabutas ng bituka at iba pang pinsala. Kung matuklasan ng tagapag-alaga na aksidenteng nakalunok o nakalanghap ng maliit na bahagi ang bata, o may klinikal na sintomas na pinaghihinalaang dulot ng paglunok nito gaya ng biglaang sakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka at pagtatae, dapat dalhin agad ang bata sa ospital para magamot upang maiwasan ang malubhang pinsala.

07.

Kapag naglalaro ng laruan ang mga bata, dapat maingat na basahin ng magulang ang kaugnay na babala at tagubilin, at magbigay ng kinakailangang pagbabantay at paalala habang kasama sila upang maiwasan ang aksidente.