STRAW NG WHEAT

Ang wheat straw ay natitirang tangkay at dahon ng trigo matapos giikin. Ito ay may maraming mga paggamit, tulad ng organic fertilizer, feed, pang-industriya raw materyales, atbp. Sa espesyal na compounding, maaaring gawing degradable plastic ang dayami ng trigo at polymer resin. Katulad ng ordinaryong thermoplastic ang katangian nito, magagawa sa injection-molding equipment at mas eco-friendly.

Sa kasalukuyan, karamihan sa produktong gumagamit ng wheat straw bilang raw material ay pang-araw-araw na gamit gaya ng lunch box, tableware, toothbrush at iba pa. Ang saklaw ng application sa mga laruan ay relatibong maliit, ngunit may mga kaso din. Halimbawa, wheat straw ang raw material ng building block ng Nuki’s. Hinuhulma ang organic wheat straw sa pamamagitan ng hot pressing, at may natural na amoy ng trigo ang nagawang block. Bukod dito, mas madaling hubugin ang building block na ito at makatatagal sa mataas na temperaturang 120°C. Dahil eco-friendly at degradable ang raw material, kusang mabubulok ang building block kung ilalagay sa lupa.

news-670-516