Opisyal na nagsimula sa Saigon Convention and Exhibition Center sa Ho Chi Minh City ang 2023 Ho Chi Minh City International Consumer Electronics and Household Appliances Expo (IEAE), Vietnam Gifts and Household Products Exhibition (IGHE), Vietnam Toys and Baby Products Exhibition (IBTE VIETNAM) at kaugnay na exhibit.

Kabuuang 550 booth ngayong taon at inaasahang mahusay na supply-demand matching exhibition sa Vietnam at Timog-Silangang Asya. Mahigit 3,000 de-kalidad na produkto ang ipinakita sa exhibit, na nagbigay ng mayamang karanasan sa bisita. Umaasa rin ang organizing committee na higit pang mapatitibay sa eksibisyon ang pagtutulungan ng Vietnam at mga pandaigdigang katuwang sa larangan ng paggawa ng smart consumer electronics equipment.

Nakaakit ang Ho Chi Minh City International Consumer Electronics and Home Appliances Fair 2023 ng 193 exhibitor, karamihan mula Guangdong at Zhejiang ng China.

Ginanap na sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang 2023 Vietnam Gifts and Household Products Exhibition. Ipinapakilala ng eksibisyon ang mga propesyonal na tagagawa at exporter, na nagsisikap na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mamimili sa Vietnam.

Ang Vietnam Toys and Baby Products Exhibition ang pinakapropesyonal na B2B exhibition sa Vietnam sa larangan ng Mga laruan ng bata. May 200 mother/baby maker ang eksibisyon ngayong taon, na may iba't ibang toy at entertainment para sa edad 0-14.

Pinagsasama ng mga eksibisyon ang mga kilalang tagagawa at negosyante, na nagbibigay sa mga kumpanya sa Vietnam at ibang bansa ng direktang pagkikita at mas malakas na kalakalan. Ipinakikilala rin ang mga makabagong solusyon, teknolohiya at sari-saring produkto at serbisyo para sa mas magandang buhay ng mga Vietnamese.