Isa sa mga industriyang pinakamalakas gumamit ng plastic sa mundo ang toy industry, at bagong uso rito ang pangangalaga sa kapaligiran. Ayon sa ulat, isinama ng Mattel, LEGO, Hasbro, Bandai at iba pa ang low-carbon at environment sa layunin at naglabas ng green toy. Ipinapakita ng pinakabagong datos na pagsapit ng 2030, inaasahang aabot sa 59.6 bilyong dolyar ng US ang pandaigdigang merkado ng laruang makakalikasan.
Ayon sa ulat, kapag papalapit ang kapaskuhan, karaniwang pinipili ng maraming magulang ang pagbili ng laruang regalo para sa kanilang anak. Bukod sa mga klasikong laruang malambot na may balahibo, lalong nagiging popular ang sari-saring produktong nagtatampok ng pagprotekta sa kapaligiran
Sa isang tindahan ng laruan sa New York City, puno ang mga estante ng laruang malambot na may balahibo, building block, at keychain, na nakalulula sa maraming magulang. Mula simula ng taon, patuloy na sumisigla ang benta ng laruan at habang papalapit ang mga holiday sa katapusan ng taon, paganda nang paganda ang negosyo ng tindahan.
Ipinapakita ng datos na pagsapit ng Setyembre ng nakaraang taon, umabot sa US$36.7 bilyon ang pandaigdigang benta ng laruan, mas mataas nang 2% kaysa nakaraang taon. Sa mga ito, pinakakapansin-pansin ang paglago ng plush toy, na umabot sa 32%.

Kasabay nito, dahil sa tumataas na kamalayan sa pagprotekta sa kapaligiran, nagiging bagong uso sa industriya ang mga makakalikasang laruan. May “green” at “recyclable” sa maraming block at board-game package upang ipakita ang pangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi ni Tammy, bise presidente ng isang tatak ng laruan sa Canada: Naglunsad kami ng dalawang bagong linya ng paggawa ng mga laruang makakalikasan ngayong taon, at dodoble ang bilang nito sa susunod na taon.
Marianne ng New York, USA: “Iniisip ko kung makakalikasan ang laruan kapag namimili. Pero kaunti ang ganito, at handa akong magbayad nang mas mahal para sa makakalikasang produkto.”
18.9 bilyong USD ang global green toy market sa 2020; inaasahang 59.6 bilyong USD o tungkol sa 416.5 bilyong yuan sa 2030.

