Ayon sa Shantou Customs, 146.66 bilyong yuan ang kabuuang export at import ng silangang Guangdong (Shantou, Meizhou, Shanwei, Chaozhou at Jieyang) sa 2022; 115.73 bilyon ang export at 30.93 bilyon ang import. Kapansin-pansing maganda ang pag-export ng produktong pangkultura ng silangang Guangdong noong nakaraang taon; 15.35 bilyong yuan ang laruan, malaki ang itinaas na 29.6%.
Ayon sa Shantou Customs, apat ang katangian ng kalakalan ng silangang Guangdong sa 2022: malakas ang market procurement at e-commerce export; lumago ang pribadong export-import; matatag ang paglago sa ASEAN/EU; dalawang digit ang itinaas ng produktong pangkultura at malaki ang dagdag sa laruan.