Noong Abril 15, binuksan sa Guangzhou ang ika-133 China Import and Export Fair (Canton Fair). Ang Canton Fair ngayong taon ang unang pisikal na pagdaraos nito mula nang sumiklab ang epidemya ng bagong coronavirus. 1.5 milyong metro kuwadrado na ang area; mula 25,000 tungong tungkol sa 35,000 ang pisikal na exhibitor at higit 9,000 ang bago. Halos 40,000 exhibitor ang nag-upload ng higit 3 milyong exhibit at daan-daang libong buyer mula higit 220 bansa/rehiyon ang sumali.

Ayon kay Tu Xinquan, propesor sa University of International Business and Economics, ang engrandeng tagpo ng "muling pagsasama ng libu-libong negosyante sa pampang ng Pearl River" ang pinakadirektang salamin ng alindog ng Canton Fair. China lamang sa mundo ang may lahat ng kategorya ng industriya na nakalista sa pang-industriyang pag-uuri ng United Nations. Maraming kumpanya ang gagamit sa Canton Fair platform upang ipakilala ang sarili. Sa pangkalahatan, mabibili ng mga pandaigdigang mamimili ang lahat ng produktong gusto nila sa Canton Fair, na katumbas ng "one-stop" "bilhin ang lahat; bukod dito, mas direkta at malalim ang pisikal na harapang komunikasyon. Sabik ang maraming internasyonal na mamimili na malaman kung anong mga bagong teknolohiya at produkto ang inilunsad ng China sa nakaraang tatlong taon. Pangangailangan at inaasahang ito ang dahilan ng pagiging pinakamalaking session sa kasaysayan ng Canton Fair na ito.

Bilang “panukat ng direksyon” at “barometro” ng kalakalang panlabas ng China, kilala ang Canton Fair bilang “Blg. 1 Exhibition" dahil sa pinakamahabang kasaysayan, pinakamalaking sukat, pinakakumpletong hanay ng kalakal, pinakamaraming bisita at pinakamahusay na resulta ng transaksyon nito. Naniniwala ang komentaristang pinansyal ng CCTV na si Liu Ge na mahalagang bintana pa rin ang Canton Fair para sa pagpasok ng mga negosyo sa mundo ngayon. Nasa Likod Nito ang Kakayahang Makabangon ng Supply Chain ng China. Tagagawa man o distributor, mahusay na naitutugma ang demand sa Canton Fair, at matapos ang order, mahirap makamit sa ibang lugar ang sapat, tuloy-tuloy at matatag na suplay at produksyon na kayang ibigay ng supply chain ng China.

Sa nakalipas na 60 taon, mula sa mamimiling galing sa 19 bansa at rehiyon sa unang Canton Fair hanggang sa mahigit 220 ngayon, patuloy na lumaki ang Canton Fair.