Sa unang dalawang buwan ngayong taon, ang kabuuang import-export ng China ay $ 895.72 bilyon, bumaba nang 8.3%. Kabilang dito ang export na 506.3 bilyong dolyar ng US, bumaba nang 6.8%; import na 389.42 bilyong dolyar ng US, bumaba nang 10.2%; at sobrang kalakalan na 116.88 bilyong dolyar ng US, lumaki nang 6.8%.

Ayon sa website ng State Administration of Foreign Exchange noong 7, inilabas nito ang laki ng foreign-exchange reserve sa katapusan ng Pebrero 2023.

Ayon sa SAFE, umabot sa US$3.1332 trilyon ang reserbang salaping dayuhan ng China sa katapusan ng Pebrero 2023, bumaba nang US$51.3 bilyon o 1.61% mula sa katapusan ng Enero.

Dahil sa pinagsamang epekto ng conversion ng halaga sa palitan ng salapi at pagbabago ng presyo ng asset, bumaba ang reserbang foreign exchange sa buwang iyon. Ang pagsisikap ng China na itaguyod ang matatag na pagbangon ng ekonomiya at mataas na kalidad ng pag-unlad, kasama ng malaking potensiyal at malakas na sigla ng ekonomiya, ay nakatutulong upang mapanatiling matatag ang laki ng reserbang salaping dayuhan.