Mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon, umabot ang eksport ng laruan ng Shantou sa 1.06 bilyong yuan

Kilala sa loob at labas ng bansa ang Chenghai, Shantou bilang production at export base ng laruan at regalo. Pinakanatatangi at pinakamasiglang pillar industry sa Shantou ang toy industry. Nitong mga nakaraang taon, mas naging malapit ang ugnayang pang-ekonomiya at kalakalan ng mga exporter ng laruan sa Shantou sa mga bansa/rehiyon ng “Belt and Road”, at matatag na lumago ang export. Ayon sa customs, nag-export ang mga kompanya ng Shantou ng 1.06 bilyong yuan na laruan sa mga bansa ng “Belt and Road” noong Enero–Pebrero 2023, tumaas ng 98.8% mula nakaraang taon.